Home METRO 2 tiklo sa P2.6M ismagel na sigarilyo sa Maguindanao

2 tiklo sa P2.6M ismagel na sigarilyo sa Maguindanao

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng P2.6 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Lieutenant Colonel Samuel Roy Subsuban, police chief ng Datu Odin Sinsuat, ang pagkakaaresto sa mga ito ay dalawang araw matapos din nilang masamsam ang P14.8 milyong halaga ng imported na mga sigarilyo sa Parang, sa nasabing probinsya.

Ani Subsuban, agad silang naglatag ng chokepoint at naglunsad ng anti-smuggling operation bandang 4:15 a.m. nitong Martes, Hulyo 2, matapos makatanggap ng tip mula sa National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa isang wing van cargo truck na kargado ng mga kontrabando na dumaan sa Barangay Awang.

Nang maharang ng mga awtoridad, walang maipakitang mga dokumento ang drayber at helper nito sa kargamento.

Nakumpiska ng pulisya ang 100 kahon ng imported na mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.5 milyon na ihahatid sana sa Davao City.

Nasa kustodiya na ng NBI sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga suspek at cargo truck.

Noong Hunyo 30, naharang ng pulisya ang dalawang cargo trucks na kargado ng 518 kahon ng imported na sigarilyo na nagkakahalaga ng P14.8 milyon sa parang.

Aminado ang tatlong katao, dalawang drabyer t helper nito na ang mga kontrabando ay ihahatid sa isang negosyante sa Libungan, Cotabato province. RNT/JGC