Home NATIONWIDE La Niña ‘di pa nagsisimula – PAGASA

La Niña ‘di pa nagsisimula – PAGASA

138
0

MANILA, Philippines – Sa kabila ng malalakas na pag-ulan, sinabi ng PAGASA na hindi pa nagsisimula ang La Nina phenomenon.

Ayon kay Engr. Al Quiblat, hepe ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Mactan (Pagasa-Mactan), na ang bansa ay kasalukuyang nasa neutral phase ng El Niño Southern Oscillation (ENSO).

Ang ENSO ay natural na nangyayari na resulta ng interaksyon ng karagatan at atmosphere sa Central and Eastern Equatorial Pacific (CEEP).

Ipinaliwanag ni Quiblat na may tatlong phase ang ENSO, ito ay ang El Niño, neutral, at La Niña.

Matatandaan na naglabas ang PAGASA ng La Nina watch sa mga susunod na buwan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here