Home NATIONWIDE P35 minimum wage hike sa NCR ‘reasonable’ – PCCI

P35 minimum wage hike sa NCR ‘reasonable’ – PCCI

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), pinakamalaking business group sa bansa, na ang P35 increase sa arawang sahod ng mga pribadong manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay maituturing na “reasonable.”

Sa pahayag nitong Huwebes, Hulyo 4, sinabi ni PCCI president Enunina Mangio na mahigpit na susunod ang mga employer sa bagong minimum wage na mula P610 ay gagawing P645.

Ito ay inaprubahan ng Regional Tripartite and Productivity Wage Boards ng NCR.

“It’s a decision made by the wage board, we will respect and follow that. On the part of PCCI, we will monitor and evaluate its impact on our micro and small enterprises that we consider the backbone of our economy,” ani Mangio.

Sinabi ng PCCI chief na ang P35 wage hike ay “fair enough” kumpara sa naunang ipinanukala na P100 na ayon sa kanya ay “too much for employers and could likely lead to closure of businesses and unemployment.”

Ani Mangio, mahalaga rin na ikonsidera ang epekto ng pagbabago ng minimum wage sa mga negosyo.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Mangio na ang mga malilit na establisyimento ay mayroong 10 hanggang 99 na manggagawa, habang ang medium enterprises ay may kabuuang 100-199 workers.

“I believe it’s a win-win decision for both employers and workers. We also recognize how inflation is affecting all of us,” giit ni Mangio.

Bagama’t inilarawan ng PCCI ang wage order na ‘reasonable,’ para sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay kulang ito kung ikukumpara sa araw-araw na gastusin ng mga Filipino.

Dumipensa naman si Labor Secretary Bienvenido Laguesma para sa mga negosyante sa pagsasabing ang minimum wage ay para lamang sa mga nasa entry level positions.

Patuloy na isusulong ng TUCP ang P150 legislated wage hike na ngayon ay aprubado na sa Senado ngunit pending pa rin sa Committee of Labor and Employment ng Kamara. RNT/JGC