Home NATIONWIDE 2 tiklo sa pampasabog

2 tiklo sa pampasabog

MANILA, Philippines – Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang indibidwal matapos makuhanan ng mga pampasabog sa buy-bust operation sa Zamboanga City.

Iniulat ng CIDG Zamboanga City Field Unit nitong Martes, Pebrero 11, ang pagkakaaresto sa dalawa na kinilalang sina “Arjemhar” at “Gamar” noong Pebrero 6 sa Barangay Rio Hundo.

Ang mga ito umano ay mayroong materyales na ginagamit sa paggawa ng improvised explosive devices (IEDs).

Nakumpiska ng mga awtoridad ang mga sumusunod na ebidensya:

2,000 piraso ng blasting caps
2,000 piraso ng improvised non-electric blasting caps
Limang piraso ng plastic bags containing alleged trinitrotoluene (TNT)
Tatlong rolyo ng commercial safety fuse
Dalawang piraso ng light pink spool detonating cord
20 piraso ng P1,000 bills in boodle money
Tunay na P1,000 bill
Isang sports utility vehicle
At iba pang non-explosive pieces of evidence

Hindi na nagbigay ng eksaktong halaga ang pulisya sa mga nasamsam na pampasabog.

Naghain na ng reklamo ang Zamboanga City CIDG laban sa dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9516. RNT/JGC