Home METRO 2 timbog sa P74.8M tobats

2 timbog sa P74.8M tobats

MANILA, Philippines- Arestado ang dalawang umano’y big-time drug pushers matapos makuhanan ng aabot sa P74.8 milyong halaga ng shabu sa malakihang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng Special Operationg Unit ng PNP Drug Enforcement Group (SOU-DEG), kasama ang District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (NPD-DDEU) na pinangasiwaan ni District Director P/BGEN. Josefino Ligan, PDEA-NCR, at Caloocan Police Sub-Station 15, ang buy-bust operation sa Brgy. Amparo, North Caloocan.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip sa umano’y dalawang big-time drug pushers na sina alyas “Johary”, 26, ng Tamparan, Lanao Del Sur, at alyas “Ambulo”, 25, ng Arlegui St. Quiapo, Manila, dakong alas-8:15 ng gabi.

Nakumpiska sa dalawa ang 11 plastic tea bags, kabilang dito ang dalawang ibinenta ng mga suspek, na tumitimbang ng kabuuang 11,000 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74,800.000, buy-bust money, cellular phone na gamit nila sa pakikipagtransaksyon, at isang Yamaha NMAX na motorsiklo.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek na pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa Amparo Sub-Station 15. Rene Manahan