Home HOME BANNER STORY 2 tinangay ng malawakang pagbaha sa Cagayan

2 tinangay ng malawakang pagbaha sa Cagayan

APARRI, Cagayan – Dahil sa patuloy na umaapaw na tubig sa 8 bayan ang malawakang binaha kung saan ay dalawang katao ang tinangay ng malakas na agos ng tubig dito sa nasabing probinsya.

Ayon kay Rueli Rapsing, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO, ang mga pagbaha ay bunsod ng mga tubig na bumababa mula sa kabundukan ng Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino bunsod ng pananalasa ng bagyong Nika.

Idinagdag pa ni Rapsing na nagkaroon ng flashflood sa bayan ng Gonzaga matapos na bumigay ang isang water impounding project doon at maging sa bayan ng Baggao ay rumagasa ang tubig sa kabundukan sa ilang kabahayan.

Idinadag pa ni Rapsing na may magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa bayan ng Amulung.

Ang isa ay binata, 18 years old at 42 years old, kung saan pumunta sila sa ilog para kumuha ng naanod na mga kahoy.

Nagsasagawa na ng retrieval operations ang mga otoridad sa dalawang biktima.

Kabilang sa mga binabahang lugar ay ang Tuguerao City, Enrile, Solana, Amulung, Alcala, Baggao, Gattaran, Gonzaga, at Allacapan.

Sinabi ni Rapsing na umaabot na sa mahigit 1,000 families o nasa mahigit 5,000 individuals ang lumikas dahil sa mga pagbaha.

Impassable na rin aniya ang mga tulay at ilang kalsada sa mga lugar na nakakaranas ng pagbaha. Rey Velasco