Home METRO 2 todas, 9 bayan lubog sa baha ng habagat, Bagyong Carina sa...

2 todas, 9 bayan lubog sa baha ng habagat, Bagyong Carina sa Bulacan

153
0

Bulacan- Patay ang dalawang indibidwal matapos aksidenteng malunod sa ilog sa magdamagang pagbayo ng habagat na pinalakas ni bagyong Carina.

Kinilala ang biktimang nalunod at nasawi na si Jarrel Pangan at isa pang hindi nakilalang babae.

Sa report kay PRO3 Regional director PBGEN Jose Hidalgo, bandang alas-8 ng umaga nitong Hulyo 25, naglalakad ang biktimang si Pangan sa kasagsagan ng bagyo kasama ang kaibigan nang malalag ito sa dike ng Baliwag- Bustos river sakop ng Baliwag City.

Dahil dito, tinangay ng rumaragasang agos ang biktima hanggang sa tuluyang lamunin, malunod sa ilog at mamatay.

Nakuha naman ng Bustos rescue team ang nakitang palutang-lutang na bangkay ng hindi nakilalang babae na hinihinalang nalunod sa Angat river.

Samantala, lubog pa rin ang mababang lugar ng barangay ng Panginay, San Juan, Wawa, Dalig, Longos, Borol sa bayan ng Balagtas, Antipona, Bambang, Igulot, Lolomboy, Turo, Tambubong, Poblacion, Sulucan, Bunlo, Biñang, 1st sa bayan ng Bocaue, Taliptip, Perez, Bambang, Sta Ana, San Jose, Matungao, Balubad, Tibig, San Francisco, San Nicolas, Maysantol sa Bulakan,Balite, Balungao, Bugion, Bulusan, Calizon, Calumpang, Caniogan, Corazon, Frances, Gatbuca, Gugo, Iba Este, Iba O’ Este, Longos, Meyto, Meysulao, Palimbang, Panducot, Poblacion, San Jose, San Marcos, San Miguel, Sapang Bayan, Sergio Bayan, Sta Lucia,Sto Niño, PIO Cruzcosa sa Calumpit, Panginay, Poblacion, Malis, Ilang-Ilang sa Guiguinto, Abulalas, San Jose, San Agustin, Pugad, San Sebastian, Tibaguin, Iba-ibayo, San Pablo, Sto Niño, Sagrada Familia, San Miguel, Sto Rosario, Iba, Sta Cruz, San Nicolas, Tampok, Mercado, San Pedro, San Juan, Sta Elena, San Isidro, Palapat, San Pascual, Sta Monica, Carillo, San Roque sa Hagonoy, Babatnin, Calero, Caliligawan, Liang, Masile, Namayan, Pamarawan, Sto Cristo, Sto Rosario, Balayong, Bulihan, Caingin, Caniogan, Guinhawa, Mabolo, Mojon, San Vicente, Sumapang Bata, Sto Niño sa lungsod Malolos, Poblacion, Bayugo, Hulo, Pajo, Bagbaguin, Bancal, Banga, Malhacan, Caingin, Pandayan, Libtong, Langka, Zamora, Lungos, Gasak, Saluysoy, Lawa, Calvario sa Meycauayan, Salambao, Binuangan sa Obando, Sitio 5, San Jose, Sitio Bangkal, Sto Rosario,Masukol, Binakod, San Isidro II, Kapitangan ng Paombong, at Muzon south (dahil sa hightide) ng San Jose Del Monte. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here