Home NATIONWIDE 2 trak ng basura nahakot sa Manila North Cemetery

2 trak ng basura nahakot sa Manila North Cemetery

MANILA, Philippines – Maagap na naglinis ang Department of Public Services o DPS sa loob at labas ng Manila North Cemetery (MNC).

Ito ay makaraang makapaghakot ng dalawang truckload na ng basura na iniwan ng mga dumalaw nitong Miyerkules, araw ng Undas, Nobyembre 1.

Bagamat paulit-ulit na nagpapaalala ang pamahalaang lokal ng Maynila, kapulisan at environmental group para sa malinis na kapaligiran sa mga sementeryo.

Gayunman, hindi pa rin maiwasan ng ilan na mag-iwan ng sangkaterbang basura lalo na ang mga styrofoam na pinagkainan, bottled water, mga plastic cup at iba pang mga ginamit sa pagkain.

Pakiusap ng pamunuan ng MNC sa publiko, kung hindi maiwasan na magdala ng pagkain sa loob ng sementeryo ay ipunin na lamang ito at bitbitin pauwi sa kanilang bahay ang kanilang mga basura. Jocelyn Tabangcura-Domenden