Home METRO 2 travel agency, pinadlak ng DMW

2 travel agency, pinadlak ng DMW

MANILA, Philippines – Ipinasara ng Department of Migrant Workers ang dalawang travel and tours agency bunsod ng sinasabing illegal recruitment.

Sa operasyon, nasakote ng Manila Police District-Criminal Investigation Section ang suspek na si Maria Theresa Habagat ng Reiven Air Travel Tours and Consultancy sa Malate, Manila matapos tanggapin ang ₱70,000 mula sa isang aplikante sa ikinasang entrapment operation.

Ayon kay PMaj. Jake Arcilla ng MPD-CIS, natuklasan sa isang buwang surveillance na front lamang ang travel agency at sangkot ito sa illegal recruitment patungong Poland kahit walang kaukulang permit.

Umakto umano ang Reiven kasabwat ang Reliable Recruitment Corporation sa paniningil ng ₱70,000 sa mga aplikante para sa trabahong fruit picker, factory worker, truck driver, at welder. Ngunit ayon sa Department of Migrant Workers, may 70 job order lang ang Reliable kaya labag sa batas ang dagdag na recruitment.

Kapwa ipinasara ng DMW ang dalawang ahensya at mahaharap ang mga may-ari sa kasong illegal recruitment. RNT