PORMAL nang nanumpa bilang kinatawan ng Lone District ng Malabon si Congressman Antolin “Lenlen” Oreta bilang bahagi ng 20th congress nitong Hulyo 5 na kung saan siya ay nanumpa kay Senador Bam Aquino na kilalang nagsusulong ng mga programa sa edukasyon at kabataan.
Tiniyak ni Oreta na kaniyang pag-iibayuhin ang pagbibigay ng serbisyo publiko at pagpapalago ng mga komunidad sa Malabon.
Bukod kay Aquino ay sinaksihan din ng mga kapamilya, kaibigan, tiga suporta at mga local officials ang nasabing panunumpa ni Oreta.
Maliban kay Oreta nanumpa din sina Councilor Enzo Oreta and Councilor Sonia Lim na makakatuwang din ng kongresista sa paglilingkod para matiyak na maihatid ang tamang serbisyo para sa mga tiga Malabon at matiyak ang pagiging progresibo ng Malabon.
Bago pa man nahalal na Kongresista si Oreta ay napatunayan niya ang paglilingkod sa kapwa lalo sa mga tiga Malabon matapos niyang matapos ang kanyang tatlong termino ng mahalal siyang Punong Lungsod ng Malabon na kung saan sa ilalim ng kanyang liderato ay humakot ito ng ibat-ibang mga parangalan katulad ng paglulunsad ng Karinderia para sa Kalusugan ni Chikiting (KKC) isang community-based feeding at education program upang lalo pang pagandahin at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat bata sa Malabon.
Nais na isulong ni Oreta sa kanyang pag-upo sa kongreso ay ang tinatawag na POGI Solutions, pagtitiyak na magkaroon ng legasiya at pagtutok sa Pagkain at Nutrisyon, Oportunidad, Ginhawa ng Pamilya, at Imprastraktura na siyang sesentro upang lalong itaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga nasasakupan.
“This new chapter is both a return and a renewal. I’m honored to once again serve Malabon—this time bringing our local voices to the national stage. We’ll continue working to ensure that every family feels the presence and compassion of government,” ani Oreta sa kanyang inagural speech.
Dahil sa seremonyang ito ay nagpapatunay na ganap nang sinisimulan ni Congressma Oreta ang kanyang unang termino bilang miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso na kung saan katuwang siya ng iba pang mga mambabatas sa pagbuo o pagbalangkas ng mga polisya at panukalang batas na makatutulong sa pamumuhay ng bawat Malabon at higit sa lahat ng buong bansa at buong sambayanang Filipino. Dave Baluyot