Home NATIONWIDE Fake endorsement post online, ibinabala ni Tagle

Fake endorsement post online, ibinabala ni Tagle

MANILA, Philippines – Binalaan ang mga Pilipinong Katoliko laban sa mga pekeng social media account kung saan si Cardinal Luis Antonio Tagle ay nag-endorso ng mga komersyal na produkto at grupo.

Sa isang post sa kanyang opisyal na Facebook page noong Biyernes, sinabi ni Tagle na wala siyang ibang Facebook page maliban sa pinamamahalaan para sa kanya ng Jesuit Communications Foundation, ang media arm ng Philippine Province of the Society of Jesus.

Ang Facebook account ay verified page na may kumpletong pangalan na Luis Antonio G. Cardinal Tagle.

“Dear friends, please be aware that many fake [Facebook] accounts or posts claim that our dear Cardinal Tagle endorses them, a certain medicine, or some other product or group,” bahagi ng post.

Hiniling din ng Cardinal sa publiko na iulat sa Jesuit Communications ang anumang lumalaganap na pekeng account, post, o pag-endorso. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)