Home NATIONWIDE 2 Tsino nalambat sa P8M puslit na yosi sa Pangasinan

2 Tsino nalambat sa P8M puslit na yosi sa Pangasinan

182
0

MANILA, Philippines – DALAWANG Chinese national ang naaresto sa isang checkpoint sa Labrador, Pangasinan nitong Miyerkules matapos matagpuan ang P8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa kanilang sasakyan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, sa checkpoint operation sa Barangay Poblacion ay hinarang ng mga pulis ang isang closed van para inspeksyon at natuklasan ang 101 kahon ng assorted na sigarilyo. Kinumpirma na ang mga ito ay smuggled at walang wastong dokumento, na umabot sa 5,050 reams na may halagang P8.05 milyon.

Inaresto ang dalawang Chinese na sakay ng van at inihahanda na ang mga kaso laban sa kanila. Ang nakumpiskang sigarilyo ay isusumite sa Bureau of Customs para sa case build-up at tamang disposisyon.

Sinabi ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na ipinapakita ng pag-aresto ang kahalagahan ng checkpoints sa pagpigil ng krimen at pagpapatupad ng batas. “Minsan ang iniisip ng iba, checkpoint lang. Pero kapag maayos ang pagpapatupad at alerto ang mga pulis, malaking krimen ang napipigilan. This is a clear example of how disciplined police work protects the public and our economy,” ani Nartatez.

Dagdag pa niya, sinisira ng smuggling ang mga legal na negosyo at nagkukulang sa kita ng gobyerno. “Hindi lang ito tungkol sa iligal na produkto. Ang smuggling ay direktang nananakaw sa kaban ng bayan. Kaya seryoso ang PNP sa laban na ito, at hindi kami titigil,” ani Nartatez. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here