Home METRO 2 tulak arestado sa P100K shabu sa Navotas drug bust

2 tulak arestado sa P100K shabu sa Navotas drug bust

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang dalawang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina Enrico Ambrocio, 50, pedicab driver ng Los Marites St., Brgy. San Jose at Robin Nastor alyas Indong, 21 ng Perez St., Brgy., Tonsuya, Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Genere Sanchez ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu si Abrocio kaya isinailalim nila ito sa validation.

Matapos makumpirma na positibo ang report, kaagad nagsagawa ang SDEU ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Ambrocio at kanyang kasabwat na si Nastor matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buer sa Kanduli St., Brgy. NBBS Dagatdagatan, dakong alas-10:39 ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P102,000.00, buy bust money at coin purse.

Ayon kay PSSg Ramir Ramirez, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura