Home HOME BANNER STORY Paano nagsimula ang pagdiriwang ng All Souls’ Day?

Paano nagsimula ang pagdiriwang ng All Souls’ Day?

MANILA, Philippines – Dalawa sa mga pinaka-kilalang pagdiriwang ng mga Filipino na matagal na nating ginugunita ay ang Araw ng mga Santo (All Saints’ Day) at Araw ng mga Patay (All Souls’ Day).

Kung gaano natin kakilala ang mga selebrasyong ito, ganoon naman ang limitado nating kaalaman kung paano nga ba nagsimula ang paggunita sa Araw ng mga Patay.

Ayon sa kasaysayan, ang paggunita ng All Souls’ Day ay nagsimula noong 10th century sa pamamagitan ng isang Katolikong pari na si St. Odilo ng Cluny.

Itinakda niya ang araw na ito upang ipanalangin ang mga namayapang mahal sa buhay, na umano’y naghihintay sa purgatoryo hanggang sa panahon na payagan nang makapasok sa langit ang mga nararapat para rito.

Kung tutuusin, ang araw ng pagdalaw sa mga sementeryo ay ngayong araw sana, All Souls’ Day dahil ang Nobyembre 1, All Saints’ Day ay nakalaan naman upang gunitain ang araw ng mga Santo, mga martir at mga banal na namayapa na.

Ngunit siguro nga, nakagawian na lamang natin na dumalaw sa sementeryo tuwing a-uno, dahil karaniwang ang Nobyembre 1 ang itinatakdang holiday o walang pasok, at ang Nobyembre 2 sa mga nagdaang taon ay karaniwang may pasok na.

Ngayong taon, idineklara ang Nobyembre 2 bilang Special Non-Working Holiday kung kaya’t may pagkakataon pa para dumalaw sa mga sementeryo at gunitain ang araw ng ating mga namayapang mahal sa buhay. RNT/JGC

Previous article3 suspek sa pamamaril sa Basilan noong BSKE, sumuko na
Next article2 tulak arestado sa P100K shabu sa Navotas drug bust