Home METRO 2 tulak ibinalibag sa selda sa P2.4M droga

2 tulak ibinalibag sa selda sa P2.4M droga

ILOILO CITY – Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.4 milyon mula sa dalawang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod na ito noong Huwebes, Abril 4.

Kinilala ng Iloilo City Police Office (ICPO) ang mga suspek na sina Melchor Mitsilina Tayco, alyas Angwa, at Efren Tayco Diaz, alyas Toko.

Ang 68-anyos na si Tayco at 35-anyos na si Diaz ay inaresto ng ICPO City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa ilalim ni Police Lt. Col. Antonio Benitez Jr.

Inaresto ang dalawang high-value na indibidwal na ito matapos magbenta ng shabu sa isang undercover na pulis mula sa CDEU team na pinamumunuan ni Police Capt. Gimmel Acuesta.

Nakuha sa mga suspek ang 120 gramo ng shabu.

Pinuri ng ICPO chief Police Col. Joeresty Coronica ang CDEU gayundin ang support units ng Molo Police Station at City Intelligence Unit.

Sinabi ni Police Major Shella Mae Sangrines, tagapagsalita ng ICPO, sina Tayco at Diaz ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002. RNT