TARLAC CITY, Tarlac- Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon mula sa dalawang drug pushers sa isang buy-bust operation sa Camiling, sa lalawigang ito, nitong Biyernes.
Kinilala ni Police Regional Office-3 Director Police Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang mga suspek na sina Boyet at Boy, kapwa residente ng Camiling.
Narekober din sa mga suspek ang P1,000 marked money, improvised water pipe tooter na may residue ng hinihinalang shabu, weighing scale, cellular phone, at drug paraphernalia.
Ayon sa mga awtoridad, may koneksyon umano si Boyet sa Dizon Criminal Group na sangkot sa illegal drug activities sa Camiling at sa lalawigang ito.
Nahaharap ang mga suspek sa drug-related charges. RNT/SA