Home NATIONWIDE 2 turistang Malaysian sinilaban sa Bangkok

2 turistang Malaysian sinilaban sa Bangkok

256
0

THAILAND – Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang turistang Malaysian matapos silang silaban ng isang lalaki sa Ratchadamri Road noong Huwebes ng gabi, Agosto 7.

Ang insidente ay nangyari alas-10 ng gabi nang buhusan sila ng thinner ng suspek.

Kinilala ang mga biktima na sina Ong, 26, lalaki, at isang babae na 27-anyos na si Gan na nakaupo sa hagdan malapit sa isang shopping center.

Binisita ni Malaysian Embassy chargé d’affaires ad interim to Thailand Bong Yik Jui ang mga biktima na kritikal pa rin ngunit nasa stable na kondisyon.

Si Ong ay nasa intensive care unit ng Police General Hospital, habang si Gan ay ginagamot sa King Chulalongkorn Memorial Hospital.

“Ong sustained second-degree burns across his upper body, both front and back. The injuries are considered serious but not life-threatening,” sinabi ni Bong sa isang panayam nitong Biyernes.

“Gan suffered 36 percent second-degree burns, but her condition is stable and conscious,” dagdag pa.

Nakipag-ugnayan na ang embahada sa mga pamilya ng biktima.

Ani Lumpini police station superintendent Col. Yingyos Suwanno, ang suspek ay isang 30-anyos na lalaki mula sa probinsya ng Kaeo na inatake ang mga biktima dahil sa kawalan ng trabaho.

Sinubukan nitong tumakas ngunit nasakote ng publiko.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng Lumpini police station habang iniimbestigahan ang motibo sa panununog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here