Home NATIONWIDE 2 UP-Diliman grads nanguna sa Architect Licensure Exam

2 UP-Diliman grads nanguna sa Architect Licensure Exam

MANILA, Philippines – Ang dalawang graduates mula sa University of the Philippines – Diliman, sina Ckristel Janssen Larosa Daguio at Marissa Iness Palce Ragaza, ay nanguna sa January 2025 Licensure Examination for Architects.

Pareho silang nakakuha ng percentage rating na 82.30, ang pinakamataas sa 1,052 na pumasa sa eksaminasyon, ayon sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).

Ang University of Sto. Tomas naman ay itinanghal bilang Top Performing School na may passing rate na 88.10 porsyento.

Para sa kumpletong listahan ng mga passers, maaaring tingnan ang opisyal na pahayag ng PRC.