Home NATIONWIDE 2 US warplanes pinabagsak ng Iran; 1 crew nawawala

2 US warplanes pinabagsak ng Iran; 1 crew nawawala

140
0

IRAN – Nasagip ang isang US service member habang isa ang nawawala matapos pabagsakin ng Iran ang dalawang US military planes sa magkahiwalay na pag-atake.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabagsak ang US aircraft sa giyera sa pagitan ng US, Israel at Iran.

Nagpapatuloy naman ang search-and-rescue operation ng US military sa nawawalang crew member.

Sa hiwalay na pahayag, iniulat ng Iranian state media na bumagsak sa Persian Gulf ang US A-10 attack aircraft matapos puntiryahin ng Iranian defense forces.

Hindi pa malinaw kung bumagsak o pinabagsak ang naturang eroplano.

Nagpapatuloy ang giyera sa Middle East sa ikaanim na linggo mula nang atakehin ng US at Israel ang Iran, dahilan naman para gumanti ang Iran at atakehin ang mga base militar ng US sa Gulf states. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here