SURIGAO DEL SUR, Philippines – Dalawang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentro laban sa Philippine Army 36th Infantry Battalion noong Linggo sa Barangay Nurcia, Lanuza, Surigao del Sur.
Dalawa rin sa tropa ng gobyerno ang nasugatan at agad dinala sa ospital para gamutin.
Ayon sa 36th Infantry Battalion, nagpapatuloy ang paghahanap at clearing operations upang tiyakin ang seguridad sa lugar at masundan ang natitirang armado.
Hindi pa inilalabas ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang beripikasyon. RNT/MND