Home METRO 2 utas sa karambola ng motorsiklo, jeep sa N.Vizcaya

2 utas sa karambola ng motorsiklo, jeep sa N.Vizcaya

226
0

Nueva Vizcaya, Philippines – Patay ang drayber ng motorsiklo at ang angkas nito makaraang salpukin ng isang jeepney na may lulan na kamatis sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Isang single na motorsiklo na may plakang  748 BWN at isang jeepney na may karga ng kamatis na parehong binabaybay  ang direksiyon patungo ng Timog.

Nang makarating ang mga ito sa pa-kurbadang bahagi ng nabanggit na daan aksidente umanong natamaan o nabunggo ng jeepney mula sa likod ang motorsiklo.

Dahil dito sumemplang ang motorsiklo dahilan upang magtamo ng malubhang sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang mga katawan ang drayber ng motorsiklo at ang angkas nito.

Naisugod pa sa R2TMC ang mga biktima ng rumespondeng BFP Solano Ambulance at Solano LGU ambulance, subalit kapwa idineklara na ang mga ito na Dead On Arrival ng mga  umasikasong manggagamot.

Habang ang jeepney naman na nakabanggaan nito ay  tinakasan ang insidente at nagpatuloy lamang sa patakbo patungong southbound.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide and damage to properties at Hit and Run ang maaring kaharapin ng jeepney driver na suspek. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here