Home METRO Rayder hit-and-run ng trak, utas

Rayder hit-and-run ng trak, utas

214
0

BULACAN, Philippines – Dead on the spot ang motorcycle rider matapos aksidenteng masagasaan ng trailer truck na umanoy agad sa tumakas sa lugar ng insidente.

Kinilala ng pulisya ang kalunos-lunos na biktimang 23 anyos, residente ng Brgy. Anilao, Malolos.

Sa report ni PLTCOL Jowilouie Bilaro, hepe ng San Miguel police station, naganap ang insidente bandang 9:30 ng gabi noong Hulyo 29 sa Brgy. Salangan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng rider ang patungong hilaga nang malubak at dumulas ito sa kalsada kaya nabundol siya ng paparating na truck trailer.

Napagalamang mabilis na tumakas sa lugar ang truck driver habang nakahandusay at wala ng buhay ang biktimang malubhang napinsala sa ulo.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad nagpalabas ng flash alarm at nagsagawa ng follow up investigation kaya natunton ang may-ari ng truck at ang pinagtaguan ng driver.

Bandang 6:37 ng gabi noong Hulyo 30 nagsagawa ng hot pursuit operation ang San Miguel police sa Brgy. Innocencio B. Pook, Trece Martires City, Cavite hanggang sa tuluyang maaresto ang suspek na si alyas “Boy”, 35, na nahaharap kaukulang kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here