Home METRO 20 arestado ng NBI sa crypto scam hub sa Pasay

20 arestado ng NBI sa crypto scam hub sa Pasay

312
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na 20 indibidwal ang inaresto kabilang ang apat na Chinese national sa isang pagsalakay sa umano’y cryptocurrency scam hub na nag-ooperate sa loob ng condominium sa Pasay City.

Sa pahayag ng NBI, isinagawa ang operasyon ng technical Intelligence Division (NBI-TID) sa koordinasyon ng Digital Forensic Laboratory Division, ayon sa tip mula sa isang confidential informant na dating nagtrabaho bilang customer service representative para sa grupo.

Iniulat ng impormate na ang mga suspek ay nagsasagawa ng paulit-ulit na online scam na nabiktima ng mga dayuhang biktima s abuong Asya, Europa at iba pang mga rehiyon.

Hinikayat umano sila ng mga suspek na mamuhunan sa isang mapanlinlang na cryptocurrency traing platform sa pamamagitan ng network ng messaging applications.

Nakakuha ng dalawang search warrants mula sa Pasay City regional Trial Court, naglunsad ang NBI ng operasyon na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek sa condominium sa Pasay City noong Agsoot 12. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here