May 20 benepisyaryo ng Government Internship Program ang sumailalim sa orientation bago magsimula ng kanilang employment period sa pamahalaang lungsod sa 16 Mayo. Anim na buwang magtatrabaho ang mga GIP beneficiaries sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga benepisyaryo na pagyamanin ang kanilang kaalaman habang nagtatrabaho bilang government employees at mag-develop ng skills at positive habits sa pakikitungo sa mga mamamayan. Jojo Rabulan