MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pansamantalang nighttime road closure sa kahabaan ng ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Sa anunsyo, ang mga sumusunod na kalsada na sarado mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga araw-araw upang bigyan daan ang pagtanggal ng Department of Public Works and Highways sa mga aspalto, asphalt overlay at excavation works na may pipe laying:
• C-5 Orrigas Flyover Northbound/Southbound
• C-5 Orrigas Flyover (Westbound)
• C-5 Orrigas Interchange Flyover hanggang Tiendesitas
• Ortigas Avenue bago ang bridge approach (EB)
• C-5 Road Northboundalapit sa Gap 1
• Manila East Road (WB) malapit sa Jollibee corner Amang
• EDSA Ortigas Interchange hanggang San Juan
• EDSA Shaw Flyover (WB) malapit sa Approach A
Ang mga nabanggit na kalsada ay sarado sa gabi hanggat nakumpleto ang pagsasaayos ng kalsada.
Ang mga motorista na dumadaan sa naturang mga kalsada sa apektadong oras ay pinapayuhan na dumaan sa alternatibong ruta. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)