MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na bagamat ang paggamit ng tabako ay bumaba sa Pilipinas sa loob ng sampung taon, tumaas naman ang paggamit ng electric cigarette at vape partikular sa mga kabataan na edad 13-15.
Ayon kay DOH-Health Promotion Bureau representative Armynd Arguellas sa isang forum, tumaas ang prevalence ng paggamit ng e-cigarette lalo na sa mga kabataang Pilipino, na may 110% na pagtaas sa loob lamang ng apat na taon, mula 11.7% noong 2015 hanggang 24.6% noong 2019.
Ito ay dahil sa mga lumitaw na bagong anyo ng paninigarilyo tulad ng paggamit ng Electronic Nicotine/Non-Nicotine Delivery Systems (kilala rin bilang electronic cigarettes o vapor products) at Heated Tobacco Products.
Batay sa Global Youth Survey(GYTS), 14% o 1 sa bawat pitong mag-aaral na may edad 13-15 taong gulang ay gumagamit na ng e-cigarette–isang pangkat ng edad na mas bata kaysa sa pinapayagang ng mga umiiral na batas.
Ang isang pangunahing kadahilanan ng pagtaas ay ang madaling pag-access, samantalanf 77.1% ng mga kabataang gumagamit ang bumili ng mga naturang produkto mula sa mga tindahan ,stops,street vendor o kiosk.
Samantala, sa survey ng Global Adult Tobacco , iniulat na 44% “relative decline” sa paggamit ng tabakosa mga kabataan mula 2007 hanggang 2019. Naobserbahan naman sa mga nasa hustong gulang ang 33% na “relative decline”.
Idiniin ng mga health professionals na ang paggamit ng mga electric cigarette o mga produkto ng vape ay hindi Isang mas ligtas na alternatibibsa paninigarilyo dahil maari itong magkagay sa bansa sa panganib ng isang epidemyabo e-cigarette o vape-associated lung injury (EVALI).
Ang DOH ay nakapagtala na ng kauna-unahang kaso sa bansa noong Nobyembre 2019– isang 16 taong gulang na babae mula Visayas na gumagamit pareho ng vape at sigarilyo.
Upang matugunan ang mga hamon at panganib ng tobacco epidemic, ipinakita ni Arguellas ang Philippine National Tobacco Strategy for Prevention and Control (NTPCS)2030 na nagbabalangkas ng mga direksyon para maiwasan at makontrol ang mga sakit na may kaugnayan sa tabako at vape sa bansa sa susunod na walong taon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)