MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation -Cybercrime Division ang apat na target na nag-aalok ng pagproseso ng late birth registration at annulment nang walang court appearance.
Ang mga suspek ay nadakip sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Pasay City kasunod ng mga reklamong inihain sa Korte Suprema hinggil sa umanoy abogadi at hukom ba sangkot sa nasabing mga pakana.
Ayon kay NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc, nag-aalok umano ng 100% legit annulment process ,non-appearance basta pumapayag na magbayad ng P35,000.
Sinabi pa ni Lotoc na may pinapalitang totoong dokumento galing sa korte na may pangalan at nakapirma talagang mga abogado at hukom na nasa likod nito na nagpapabayad at nagiging madali ang proseso.
Nakakaalarma aniya ang ‘late birth registration’ dahil base sa kanilang intelligence, may mga foreigner na gumagamit ng local mules.
Ito aniya yung mag-aapply ng late registration at kapag nakuha na ang dokumento , ang gumagamit umano nito ay mga foreigners.
“Pwede kana makakuha ng barangay clearance at the same time pwede na itong maging starting process .Halimbawa ,kung gusto mo kumuha ng passport”, ani Lotoc.
Samantala, isa sa suspek ay nagpahayag ng kanyang pagsisisi sa pagsali sa scheme.
Kasalukuyang nakadetine ngayon sa NBI Detention Facility sa Bilibid at nahaharap sa Estafa na may kaugnayan sa Cybercrime and Conputer-rekated Forgery ang mga suspek.
Sa isang pahayag, nagpahayag ng pasasalamat ang Korte Suprema sa operasyon na nauwi sa pagkakaaresto ng mga suspek. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)