MANILA, Philippines – Ipinasara ang isang ospital sa may Hobbies of Asia Compound sa may kahabaan ng Macapagal Avenue dahil hindi lisensyado ng Department of Health (DOH).
Ayon sa report mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, ang naturang ospital ay kumakalinga sa mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators o (POGO).
Kasama ng mga tauhan ng PAOCC na nag-operate sa nabanggit na lugar ang mga tuham ng Bureau of Immigration kung saan nahuli ng nga ito ang ilang foreign doctors at nurses na wala ring lisensya na nagtrabaho ng kanilang propesyon sa bansa.
Dalawa sa tatlong doctor na nahuli ay Vietnamese habang ang isa naman ay Chinese national.
Nahuli rin ang isang Vietnamese nurse at isang Chinese pharmacist.
Nag -ugat ang nasabing raid sa isang mission order laban kay Mr Trinh Dinh Sang kung saan dalawang linggo itong sinurveillance dahil sa alegasyon ng medical practice without the proper license. Dave Baluyot