MANILA, Philippines – Nagdeklara ng state of calamity ang 20 lungsod at munisipalidad sa Luzon dahil sa epekto ng Bagyong Nika, Ofel, at Pepito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Nobyembre 19.
Sa situational report ng NDRRMC, 11 lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang inilagay sa state of calamity. Mayroon naming walong lugar sa Cagayan Valley, at isa sa Central Luzon ang nasa state of calamity.
Ito ay ang mga sumusunod:
Entire province of Quirino (6 municipalities)
Isabela:
Santiago
Cabagan
Aurora
Dilasag
Entire province of Mountain Province (10 municipalities)
Ifugao:
Aguinaldo
Naapektuhan ng Bagyong Nika, Ofel, at Pepito ang 1.8 milyong katao sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 453,809 ang nananatili sa evacuation centers, habang 163,527 ang tumutuloy sa mga kaanak.
Naitala naman ang 25 kataong sugatan sa tatlong magkakasunod na bagyo.
Nag-iwan ang mga ito ng pinsalang aabot sa P469 milyon sa imprastruktura, at P8.6 milyon sa agrikultura.
Mayroong 10,234 tirahan ang partially damaged at 1,525 tirahan ang totally damaged sa limang rehiyon.
Limampung kalsada at 24 tulay ang hindi pa rin madaanan hanggang sa kasalukuyan.
Nakapagpaabot na ng P54 milyong tulong ang pamahalaan sa mga apektadong pamilya. RNT/JGC