CEBU CITY – Patuloy ang pagwawagi ng gobyerno laban sa insurhensya sa Visayas ngayong taon, kung saan 44 na armadong engkwentro ang humantong sa pagkamatay ng 20 rebeldeng New People’s Army (NPA) hanggang nitong Marso 31.
Mayroon ding 27 NPA na sumuko at apat ang nahuli, ayon sa ulat ni Visayas Command (Viscom) acting commander Commodore Oscar Canlas Jr. nitong Lunes, Abril 1.
“The CPP-NPA (Communist Party of the Philippines- New People’s Army) is now gasping for breath,” aniya. “Their leaders continue to fall and they continue to lose valuable resources to foster their armed struggle. As such, we will sustain our momentum and will not allow them from gaining their foothold in the region, ever again.”
Ibinunyag din ng Viscom na ang kakayahan ng NPA ay bumaba nang husto sa pagkakasamsam ng 68 na baril.
“Ang aming mga pagsisikap ay patuloy na walang humpay,” sabi ni Canlas, na nananawagan sa mga labi ng NPA na sumuko habang kaya pa nila.
“Hindi kami magdadalawang-isip na gamitin ang aming buong lakas ng militar para supilin ang ilang natitirang miyembro ng teroristang grupo.” RNT