Home METRO 22-anyos grinipuhan sa away sa online selling

22-anyos grinipuhan sa away sa online selling

DAVAO, Philippines – Sumirit ang dugo mula sa leeg ng isang 22-anyos na babae matapos siyang saksakin malapit sa police station ng Davao City.

Base sa imbestigasyon, tinitignang away sa online selling ang motibo sa krimen.

Bago maganap ang krimen, kasama umano ng biktima ang kanyang asawa bandang 7:00pm sa Quimpo Boulevard, malapit sa police station. Pero umalis umano ito para bumili ng gamot dahil sumasakit ang tiyan nito.

Dito na umano dumating ang mga salarin na sakay ng motorsiklo at sinaksak ng dalawang beses ang leeg ng biktima bago tumakas.

Sinusuri na ng pulisya ang mga CCTV footage sa lugar para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin. RNT

Previous article20 NPA patay sa Visayas sa Q1
Next article4 patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Maguindanao