Home METRO 4 patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Maguindanao

4 patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Maguindanao

SHARIFF AGUAK, Maguindanao Sur – Naglunsad ng manhunt ang pulisya laban sa mga pumatay sa isang barangay councilor at tatlong iba pa sa magkahiwalay na pag-atake ng baril sa Mamasapano, Maguindanao del Sur at Buldon, Maguindanao del Norte nitong weekend.

Sinabi ni Lt. Lou Christian Villones, hepe ng pulisya ng Mamasapano na si Barangay Pimbalkan councilor Ansari Salim ay pinatay on the spot habang ang kasama nitong si Sgt. Mansor Sianga, nasugatan dakong alas-3 ng hapon. Sabado.

Dagdag pa ni Villones na sakay ang dalawa sa isang pickup truck na minamaneho ni Sianga nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki.

Nakuha ng mga rumespondeng pulis ang humigit-kumulang isang dosenang basyo ng bala mula sa iba’t ibang kalibre ng baril.

Sa Barangay Tukanalipao ng parehong bayan, sinabi ni Villones na dalawang lalaking sakay ng motor ang inatake noong Linggo.

Isang alyas na “Jun” ang nasawi habang ang kasama niyang si “George” ay nagtamo ng mga pinsala.

Sa Buldon, binaril din ang mga magsasaka na sina Abdulgani Kasan at Latip Gapor sa Barangay Piers.

Sinabi ng mga imbestigador na ang pag-atake ng baril ay maaaring sanhi ng personal na sama ng loob o away ng pamilya. RNT

Previous article22-anyos grinipuhan sa away sa online selling
Next articleBinatilyong nanonood lang ng prusisyon nilikida, patay!