Home METRO Binatilyong nanonood lang ng prusisyon nilikida, patay!

Binatilyong nanonood lang ng prusisyon nilikida, patay!

CAMARINES Norte – Patay sa pananaksan ang isang 22-anyos na lalaki habang sugatan ang tatlong iba pa habang nanonood ng prusisyon nitong Biyernes Santo sa Talisay.

Base sa imbestigasyon, matapos dumaan ang prusisyon ay sumiklab ang giriin sa dalawang grupo ng kalalakihan.

Dagdag pa ng awtoridad na  napag-tripan ng mga suspek ang mga biktima na nauwi sa komosyon at humantong sa pananaksak.

Sumisigaw ng katarungan ang ama ng nasawing biktima na iginiit na nanonood lang ang kanyang anak kasama ang mga pinsan nito nang mangyari ang insidente.

Isa sa mga suspek ang sumuko na, habang pinaghahanap ang dalawang iba pa. RNT

Previous article4 patay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Maguindanao
Next article5 kaso ng pertussis kumpirmado sa Baguio