Home NATIONWIDE 20 sugatan sa pamamaril sa Sydney

20 sugatan sa pamamaril sa Sydney

277
0

AUSTRALIA – Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang lalaki na umano’y namaril at nagpaulan ng nasa 100 bala sa kalsada sa Sydney, Australia.

Dahil dito ay umabot sa 20 katao ang nasugatan sa nangyaring pamamaril.

Inalerto ang mga awtoridad sa Inner West suburb ng lungsod gabi ng Linggo, Oktubre 5 matapos na ang gunman umano ay “firing indiscriminately at passing vehicles, including police vehicles”, sinabi pa ng pulisya.

“There could have been anywhere between 50 and 100 shots that have been discharged,” pahayag ni New South Wales Police Acting Superintendent Stephen Parry.

Dalawang oras matapos nito, pumasok ang pulisya sa isang unit at naaresto ang 60-anyos na lalaki. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here