Home NATIONWIDE 20 tsuper sa Zambo positibo sa droga sa ‘Oplan Harabas’

20 tsuper sa Zambo positibo sa droga sa ‘Oplan Harabas’

MANILA, Philippines – Nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga ang 20 sa 756 public utility vehicle (PUV) drivers sa Zamboanga Peninsula sa isinagawang surprise drug test o “Oplan Harabas.”

Ayon kay Maharani Gadaoni-Tosoc, director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 (Zamboanga Peninsula), ang operasyon ay kasabay ng pagpapaigting nila ng seguridad sa Undas.

Ani Tosoc, ang mga drayber na nagpositibo ay irerefer nila sa mga barangay, anti-drug abuse councils, at local social welfare offices para sa rehabilitation programs.

“These drivers, after confirmation, will be referred to their respective barangays or municipal anti-drug abuse councils and to the local social welfare and development officer for appropriate interventions,” sinabi pa ni Tosoc.

Sa 20 drayber, 12 ang mula sa Zamboanga City, pito ang mula sa Zamboanga del Sur, at isa ay mula sa Zamboanga Sibugay.

Ang “Oplan Harabas” ay isinagawa sa ilang regional transport hubs, kabilang ang Agora Terminal sa Pagadian City, Zamboanga del Sur; Integrated Bus Terminal sa Dipolog City, Zamboanga del Norte; Van Terminal sa Ipil, Zamboanga Sibugay; at Integrated Bus Terminal sa Divisoria, Zamboanga City.

Ang inisyatibo na pinangunahan ng PDEA-9 ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine National Police at local government units. RNT/JGC