Home NATIONWIDE 200 OFWs mula Kuwait, nakauwi na ng Pinas

200 OFWs mula Kuwait, nakauwi na ng Pinas

81
0

MANILA, Philippines — Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 200 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuwait noong Martes, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa isang social media post, sinabi ng OWWA na sakay ng Gulf Air Flight GF154 ang mga OFW at sinalubong sila ng ahensya kasama ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Social Welfare and Development.

Tiniyak ng mga awtoridad ang maayos na pagdating ng mga repatriated OFWs sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal na tulong, pagkain, transportasyon, at pansamantalang matutuluyan.

“Patuloy na nakaalalay ang pamahalaan sa bawat hakbang ng kanilang pagbabalik—mula pagdating sa bansa hanggang sa kanilang reintegration sa kani-kanilang komunidad,” ayon sa OWWA.

Noong Lunes, iniulat ng DMW na 13 OFWs at isang sanggol ang na-repatriate mula Iraq at ligtas na nakarating sa Maynila sa pamamagitan ng Hong Kong.

Ayon sa ahensya, isinagawa ang repatriation sa koordinasyon ng Philippine Embassy sa Baghdad at Philippine Consulate General sa Hong Kong, habang inatasan ang Migrant Workers Office sa Hong Kong na magbigay ng kinakailangang tulong sa kanilang transit at tiyakin ang kanilang ligtas na pagbabalik sa bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here