Home OPINION $200M WASTE-TO-ENERGY PROJECT, ‘PINATULOG’ SA BCDA

$200M WASTE-TO-ENERGY PROJECT, ‘PINATULOG’ SA BCDA

213
0

MAGANDA ang pagkakabalasa ni Pangulong Bongbong Marcos sa Bases Conversion and Development Authority nang  italaga niya  si  dating Police General Thompson Lantion bilang chairman, kapalit ni Retired General Delfin Lorenzana.

Isang pag-asang masasabi si General Lantion para sa BCDA na tila napabayaan ang pamamahala sa mga nakaraang taon. Sa katunayan, bumaba sa 54% ang income ng BCDA noong 2023 sa ilalim ng pamamalakad nina Lorenzana at BCDA president and CEO Joshua Bingcang.

Kasama ang malaking tiwala ni PBBM sa kanya, nakikita natin na makakaya ni Lantion na maiahon pa ang BCDA, lalo’t may leadership quality naman siya dahil isa siyang graduate ng Philippine Military Academy at nagsilbi rin siya bilang Department of Transportation undersecretary at Philippine National Police director. Higit sa lahat, may pinanghahawakang ‘honor code’ ang isang tunay na sundalong gaya niya.

Ang balita natin ay abalang-abala si Lantion sa pag-aayos sa BCDA na inabutan niya sa gitna nang kaguluhan. Sa mismong araw ng kanyang ‘oath of office’, kabilang sina Lorenzana at Bingcang sa nasampahan ng graft and administrative charges sa Ombudsman dahil sa umano’y illegal closure ng Kalangitan Sanitary Landfill.

Ang kontrata ng Metro Clark Waste Management Corporation, ang operator ng Kalangitan Sanitary Landfill, ay hanggang Year 2049 pa subalit tini-terminate na raw agad ito nina Lorenzana at Bingcang.

Isa itong sakit ng ulo na dapat ayusin agad ni Lantion dahil ayon sa ilang legal expert ay may basehan sa korte ang mga argumento ng Metro Clark. Bukod pa rito, posibleng magkaroon din ng isang matinding garbage crisis sa Central Luzon at Northern Luzon kung wala nang mapagtatapunan ng kanilang basura ang mga tagarito.

Maganda ring tingnan ni Lantion ang $200-M Waste-to-Energy project proposal ng Plambeck-Emirates sa BCDA na “natutulog” lang sa tanggapan nila sa BCDA.

Sayang ang nasabing project, lalo’t sinertipikahan ng Pangulo na “urgent” ang nakasalang sa Kamara at Senado na Waste-to-Energy Bill. Ang nakikita kasi ni PBBM, ang Waste-to-Energy ay isang solusyon sa pagbaha at ayon sa pag-aaral, kayang ma-reduce nang hanggang 70% ang basura sa isang landfill.

Walang gagastusin ang gobyerno sa Plambeck-Emirates Waste-to-Energy project dahil purong pribado ang magpopondo rito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here