Home METRO 200MT basura nakolekta sa Manila North, South cemeteries nitong Undas

200MT basura nakolekta sa Manila North, South cemeteries nitong Undas

MANILA, Philippines- Nakolekta ng mga awtoridad ang mahigit 200 metric tons ng basura sa Manila’s North at South cemeteries sa paggunita ng Undas nitong taon.

Sinabi ng Manila Public Information Office na 87 truckloads o 229 metric tons ng basura mula sa main public cemeteries ng siyudad ang nakuha mula Oct. 28 hanggang Nov.1.

Anito, noong nakaraang taon, nakolekta sa dalawang sementeryo ang kabuuang 62 truckloads  o 148 metric ng basura sa panahon ng Undas.

Pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang publiko nitong Lunes na panatilihin ang kalinisan at gumamit ng recycled materials sa paggunita ng Undas.

“We should all be aware of the adverse impact of mismanaged wastes not only on our health but also on the environment and actively participate in the proper management of our wastes,” pahayag ng ahensya.

Dapat din umanong magtalaga ang cemetery operators ng sapat na “strategically-located trash bins” at maglabas ng local ordinances para sa waste management.

Narito ang ilang payo galing sa DENR-EMB para sa mga bumibisita sa sementeryo:

  • Gumamit ng recyclable containers para paglagyan ng pagkain.

  • Gumamit ng sariwang bulaklak o halaman na walang balot na plastic.

  • Iwasang magsayang ng pagkain.

  • “Clean as you go.”

  • Itapon ang mga basura sa wastong tapunan.

  • Huwag sunugin ang mga basura sa sementeryo. RNT/SA