MANILA, Philippines – Bagama’t balik-eskwela na bukas, Nobyembre 3, ay hindi pa rin ito isasagawang face-to-face classes.
Ito ay kasunod ng mahabang bakasyon dahil sa nagdaang Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections at Undas.
Ayon kay Dr. Salustiano Jimenez, DepEd-7 director, ang klase sa Biyernes ay gagawin sa pamamagitan ng modular medium.
“Actually, tomorrow, November 3, we do not have face-to-face classes, kanang modular,” ani Jimenez.
Halos lahat ng mga paaralan umano sa rehiyon ay magkakaroon ng modular-printed mode ng pag-aaral.
“Wala’y face-to-face kay tomorrow is Friday, unya [sunod kay] Sabado, Dominggo, mao ra gyud ilang anhaon [sa eskwelahan] tawn unya nangadto pa to’g probinsya. So at least they have their modules, so klase lang gihapon but in the different platform,” aniya.
Dagdag pa, nagkaroon na rin ng direktiba ang DepEd na magkaroon ng blended learning na karaniwang ginagawa sa “online” o “modular” classes.
“Depending on what is feasible in their area,” sinabi pa ni Jimenez.
Noong Oktubre 27 ay naglabas ang DepEd ng memorandum sa pamamagitan ng Office of the Assistant Secretary for Operations (OASOPS)-2023-221 na ang class arragements para sa mga klase sa Oktubre 31 at nobyembre 3, 2023 ay hindi mag-oobliga ng face-to-face classes.
Partikular na, isinalaysay sa memorandum na:
1. No Physical Attendance Required: Public school teaching personnel are not obligated to attend school physically on these dates.
2. Emphasis on Blended Learning: School Heads should use remote monitoring systems to ensure blended learning methods are applied, such as modular and asynchronous approaches, to maintain educational activities without interruption.
Prayoridad ng naturang memorandum ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga guro sa panahon ng eleksyon at Undas. RNT/JGC