Home NATIONWIDE Patay sa Israel-Hamas conflict sumampa sa 10,000

Patay sa Israel-Hamas conflict sumampa sa 10,000

MANILA, Philippines- Patay sa Israeli strike sa pinakamalaking refugee camp sa Gaza ang hindi bababa sa 47 indibidwal nitong Martes, kabilang ang Hamas commander na sangkot sa Oct. 7 attacks, ayon sa Israel.

Binulabog ng malakas na pagsabog ang Jabalia camp, kung saan gumuho ang mga kalapit na gusali.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes na nakaalis ng Gaza Strip ang Filipino doctors na sina Darwin dela Cruz at Regidor Esguerra.

Sa mensahe ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, sinabi niya na nakatawid sina dela Cruz at Esguerra sa Egypt border nitong Miyerkules. RNT/SA