Home METRO Lalaking nakaupo lang sa gilid ng kalsada, todas sa pamamaril!

Lalaking nakaupo lang sa gilid ng kalsada, todas sa pamamaril!

MAMBALING, Cebu- Bumulwak ang dugo sa kalsada matapos barilin sa leeg ang isang lalaki ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakaupo sa gilid ng kalsada noong Miyerkules sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Jaggy Dave Sembrante, nasa hustong gulang at residente ng Puntod, Brgy. Mambaling, Cebu.

Batay sa report ng Mambaling Police Station, bandang alas-9:50 ng umaga nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa gilid ng kalsada nang biglang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo, nakasuot ng kulay itim na longsleeve, helmet at maskara.

Nilapitan nito ang biktima at binaril sa leeg saka mabilis na tumakas sa hindi malamang direksyon.

Nagawa namang tumakbo sa e-trike ng biktima subalit nalagutan rin ito ng hininga.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran nitong ikadarakip. Mary Anne Sapico

Previous articleMga guro na nagsilbi sa BSKE walang OT pay
Next articlePatay sa Israel-Hamas conflict sumampa sa 10,000