Home NATIONWIDE 2016 arbitral award tinukoy ni PBBM; mapayapang pagtatanggol sa karapatan ng Pinas,...

2016 arbitral award tinukoy ni PBBM; mapayapang pagtatanggol sa karapatan ng Pinas, ipinangako

1
0

MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang maritime rights ng Plipinas sa ilalim ng 2016 Arbitral Award at nangako na ipagtatanggol ito sa mapayapa at matuwid na paraan.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, araw ng Lunes, pinuri ng Pangulo ang Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kasama ang mga mangingisda na nangunguna sa pagprotekta sa national interests sa West Philippine Sea.

“In my recent State of the Nation Address, I reaffirmed that our duty to the people extends to protecting the country’s interests, upholding the rule of law, and securing the resources upon which our communities depend,” ayon sa Pangulo.

“Ipaglalaban natin ang ating mga karapatan sa paraang mapayapa, naaayon sa batas, at naaayon sa ating mga prinsipyo,” aniya pa rin.

Itinuturing na tagumpay para sa mga Pilipino at sa buong mundo ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na walang legal na basehan ang “nine-dash line” ng Tsina na mag-angkin ng mga maritime rights sa loob ng West Philippine Sea.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang pagtutulak sa maritime rights ng bansa ay responsibilidad na ibinahagi ng buong bansa.

Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na unawain ang kasaysayan ng bansa , alamin ang maritime rights nito at maging bahagi sa pagprotekta sa national interests.

“We begin by educating the youth on where our maritime rights come from and why they matter. Across every platform available to us, we shall champion truth, counter disinformation, and encourage responsible discourse,” ang tinuran ng Pangulo.

“Our fisherfolk, too, deserve our unconditional support. Their continued presence in our waters strengthens our connection to our maritime territory,”aniya pa rin.

Binigyang diin din ng Pangulo ang healthcare workers, mga bumbero, police officers, mga sundalo, mga guro, at emergency responders na tinulungan ang mga pinoy sa panahon ng pangangailangan.

Gayundin, kinilala ng Pangulo ang sakripisyo ng overseas Filipino workers na nagtrabaho na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay mabigyan lamang ang mga ito ng maayos na buhay at pamumuhay,

“Ilan lamang sila sa maraming mukha ng kabayanihan sa ating panahon. Sapagkat sa iba’t ibang paraan at sa bawat pagkakataon, may mga Pilipinong patuloy na nagsasakripisyo, naglilingkod, at gumagawa ng kabutihan para sa kapwa, para sa bayan,” ayon sa Chief Executive.

Sinabi pa ng Pangulo sa publiko ang kanilang mga tungkulin para panindigan ang integridad ng mga institusyon sa pamamagitan ng pagde-demand ng “transparency, accountability, and a standard of service worthy of the Filipino people.”

“Magkakaiba man ang ating pamamaraan, iisa ang mensahe ng mga ito: Ang Pilipinas ay karapat-dapat na ipaglaban. Ang bawat Pilipino ay karapat-dapat na paglingkuran. Ang ating soberanya ay karapat-dapat na ipagtanggol,” anito.

“Ganito natin binibigyan ng mukha ang kabayanihan sa ating panahon: sa pagkilala sa ating bayan,  sa pagtataguyod sa mga karapatan nito, at sa paggawa  ng ating responsibilidad upang manatiling matatag, malaya, at nagkakaisa ang Pilipinas,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here