MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na agad ayusin at ibalik ang mga kalsada, tulay at irrigation system na nasira dahil sa Southwest Monsoon o Habagat at mga bagyong tumama sa bansa.
Ayon kay Pangilinan, maaaring lumala ang problema sa food security ng bansa dahil sa pinsalang dulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Babala niya, ang matagal na pagkasira ng agricultural infrastructure ay higit pang makapipinsala sa mga magsasaka at mangingisda at maaaring makaapekto sa suplay ng pagkain.
Hiniling niya sa pamahalaan na unahin ang pagkukumpuni ng farm-to-market roads, irrigation systems, mechanization at dryer facilities upang makabalik agad sa pagsasaka ang mga magsasaka, madala ang kanilang ani sa mga pamilihan at makapaghanda para sa susunod na planting at harvest cycle.
“Farmers and fisherfolk are among the sectors of society most affected by weather disturbances such as the southwest monsoon and typhoons,” ayon kay Pangilinan.
“Roads and crops get destroyed; this means not only is there no harvest, but there is also no way to transport the produce, even if they manage to salvage a small portion of it,” binigyang-diin niya.
Binigyang-diin ng senador na mahalaga ang mga kalsada sa pagdadala ng agricultural products mula sa mga sakahan patungo sa pamilihan kaya dapat itong bigyang-prayoridad sa disaster response.
“The impact of flooding and crop destruction is not merely a matter of infrastructure and produce; it is a matter of food. We here in the city will also be affected if harvests from farms or the catch from the sea cannot be brought down,” dagdag niya.
Hiniling din niya sa DPWH, Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA) at mga LGU na magsagawa agad ng assessment sa mga nasirang agricultural infrastructure at unahin ang pagkukumpuni sa mga lubhang naapektuhang farming communities.
Ayon kay Pangilinan, dapat ding tiyakin ng pamahalaan ang napapanahong pagpapalabas at wastong paggamit ng pondo para sa rehabilitation. Dapat aniya ay matibay ang mga pagkukumpuni at kayang makayanan ang mas madalas at mas malalakas na weather disturbance.
“We cannot keep facing the same problems every time there is a typhoon or the southwest monsoon. We need to be proactive, not reactive. We need to build roads and irrigation systems that can withstand these severe weather events. Let us not wait for the next disaster before undertaking repairs again. We must ensure that what we build now can withstand future rains,” saad pa niya.
Nauna nang iniulat ng DA na umabot na sa ₱2.32 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa Habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng.
Apektado na ang 69,615 magsasaka at mangingisda sa walong rehiyon, habang 60,896 metric tons ng pananim sa 62,732 ektarya ng farmland ang napinsala. RNT/MDS