MANILA, Philippines- Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilan sa miyembro ng kanyang gabinete sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, Enero 10 para talakayin ang mga alituntunin para sa mga progama at proyekto sa ilalim ng P6.235-trillion national budget para ngayong taon ng 2025.
Makikita sa larawan na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) sina Executive Secretary Lucas Bersamin, National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, Department of Budget (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, and Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na kasama ng Pangulo para sa deliberasyon.
Wala ng ibang detalye na ibinigay ang PCO hinggil sa naturang pulong.
Matatandaang napaulat na tinintahan ni Pangulong Marcos ang 2025 budget matapos ang masusing pagrepaso noong Disyembre 30. Gayunman, bineto (veto) nito ang P194 billion na line items, tinukoy ang pangangailangan na nakahanay ito sa mga prayoridad ng pamahalaan na direktang makatutugon sa pangangailangan ng mga tao.
“While the final version of the budget reflects many of our shared priorities, some provisions required careful scrutiny,” ang sinabi ng Pangulo sa ceremonial signing. Ang 2025 budget ay nauna nang itinakda na lalagdaan sana ng Pangulo bago mag-Pasko.
“The Filipino people have spoken: every centavo must go to programs that truly uplift lives, strengthen communities, and secure the future development of the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sa P194-billion vetoed items, ang P26.065 billion ay para sa mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at P168.240 billion ay inilaan sa ilalim ng “Unprogrammed Appropriations.”
Itinulak din ng Pangulo ang Conditional Implementation sa partikular na items para tiyakin na ang pondo ay epektibong magagamit, binigyang-diin na ang gobyerno ay hindi lamang isang provisional solution, kundi tugunan ang long-term issues.
“This way we ensure that its implementation will be strategic leading to the long-term improvement of the lives of qualified beneficiaries while guarding against misuse, duplication, and fragmented benefits,” ang sinabi ng Pangulo.
“This approach is anchored on a simple yet profound truth: the appropriation of public funds must not break the public trust,” dagdag niya. Kris Jose