MANILA, Philippines – MULING bibisitahin ng mga economic official ng administrasyong Marcos ang kanilang macroeconomic targets sa gitna ng “kawalang-katiyakan” na nagsisilbing banta sa buong global economy.
Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) na ang pinakamahalang data na ipinalabas noong second quarter ay magiging pangunahing konsiderasyon para sa magiging desisyon ng mga economic manager kung ia-adjust ang kanilang targets o panatilihin na lamang ang mga ito.
“We’ll see. There are many things happening. Especially with all this uncertainty in the global economy. We need to revisit [our targets],” ayon kay Balisacan.
“We don’t have any data right now except for inflation and employment. But we need economic performance information. It’s too early to change [the targets] at this point,” dagdag na pahayag ni Balisacan.
Ang Gross domestic product (GDP), ang kabuuan ng lahat ng mga produkto at serbisyo na nilikha sa loob ng ekonomiya, pinalawig sa average rate na 5.6% para sa buong 2024, taon na minarkahan ng malakas na bagyo at mataas na tubig-baha.
“While that pace of expansion was a little faster than the 5.5-percent growth in 2023, the latest reading fell short of the revised 6 to 6.5 percent goal of the Marcos administration, marking the second year of below-target GDP growth,” ayon sa NEDA.
Para sa taong kasalukuyang hanggang sa matapos ang termino ng Pangulo sa 2028, target ng pamahalaan na palaguin ang ekonomiya sa pagitan ng 6% hanggang 8%.
Subalit, naniniwala naman ang ilang analysts na ang mababaw na pagpapagaan sa cycle ay maaaring pumigil sa eknomiya mula sa paghahayag ng mas malakas na paglago.
Sa kabilang dako, sa isinagawang unang policy meeting para ngayong taon, nagdesisyon ang BSP na panatilihin ang benchmark rate na karaniwang giinagamit ng mga bangko bilang guide kapag ang pricing loans ay umabot ng 5.75%, tinukoy ang pangangailangan na ipagtanggol ang ekonomiya at inflation outlook laban sa“unusual” uncertainties na nagmula sa kinabig na tariff actions sa Estados Unidos.
“The good news is a benign inflation that eased more than expected in February could provide the central bank more room to further cut borrowing costs,” ayon sa ulat.
Ang paliwanag naman ni Balisacan, ang gobyerno ay dapat na “flexible” at “watchful” para kontrahin ang external headwinds. Kris Jose