Home NATIONWIDE 2026 bar exams application, binuksan sa Enero 8-Marso 9, 2026

2026 bar exams application, binuksan sa Enero 8-Marso 9, 2026

349
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Supreme Court (SC) na magsisimula ang aplikasyon para sa 2026 bar exams mula Enero 8, 2026 (8:00 a.m.) hanggang Marso 9, 2026 (3:00 p.m.). Dapat ay Pilipino, nasa tamang edad, may magandang asal, walang kaso sa moral turpitude, at nakatapos ng kinakailangang kurso ang mga aplikante.

Lahat ng aplikasyon, kabilang ang mga bagong kumuha, dati nang kumuha, at refresher, ay isusumite online sa Bar Applicant Registration System and Tech Assistance (BARISTA) sa Philippine Judiciary Platform.

Ang mga bagong examinee ay kailangang gumawa ng account gamit ang personal na email.

Dapat punan ng aplikante ang form, piliin ang testing area, i-upload ang mga kinakailangang dokumento, at magbayad ng P12,800 non-refundable fee sa BARISTA.

Ang naka-print at pirmadong form kasama ang pisikal na dokumento ay dapat isumite sa Office of the Bar Confidant (OBC) sa loob ng 10 araw mula sa pag-apruba. Para sa deferred documents, maaari itong isumite mula Hunyo 15 hanggang Oktubre 13, 2026.

Itatakda ang 2026 bar exams sa Setyembre 6, 9, at 13, na sumasaklaw sa anim na pangunahing asignatura. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here