Home NATIONWIDE 2026 DOST budget ipinagtanggol ni Villar sa Senado

2026 DOST budget ipinagtanggol ni Villar sa Senado

246
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Senador Camille Villar, ang pinakabatang miyembro ng 20th Congress, ang depensa sa proposed 2026 budget ng Department of Science and Technology (DOST), na may dagdag na ₱1.3 bilyon upang palakasin ang pangunahing programa ng ahensya.

“Isa ang DOST sa pangunahing tagapagtaguyod ng inklusibong pag-unlad, sumusuporta sa food at health security, nagpapalakas ng disaster resilience, at nagpapataas ng competitiveness ng industriya,” ani Villar. “Bawat pisong inilalagay natin sa agham ay puhunan para sa pamilyang Pilipino—for safer communities, stronger livelihoods, at future-ready youth.”

(c) Cesar Morales
(c) Cesar Morales

Bilang Chairperson ng Subcommittee L ng Senate Committee on Finance, nakatrabaho ni Villar ang mga opisyal ng DOST, kabilang si Secretary Renato Solidum Jr., upang ipaliwanag ang mga programa at sagutin ang mga tanong ng mga senador.

Para sa FY 2026, nakapaloob sa General Appropriations Bill ang ₱30.130 bilyon para sa DOST, na sumasaklaw sa Office of the Secretary at 18 attached agencies, para sa research, paghahanda sa klima at sakuna, digital advancement, regional science initiatives, at scholarships para sa mga estudyanteng siyentipiko.

Matapos ang deliberasyon, inendorso ng Subcommittee ang budget, na nagtapos sa huling yugto ng Senate budget process. Iginiit ni Villar na ang tuloy-tuloy na suporta sa agham at teknolohiya ay susi sa pagpapalakas ng komunidad, pagpapataas ng kompetisyon, at paghahanda ng Pilipinas para sa hinaharap. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here