Home NATIONWIDE Travel suspension sa hagupit ni Verbena, binawi na ng PCG

Travel suspension sa hagupit ni Verbena, binawi na ng PCG

217
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Philippine Coast Guard District Central Visayas ang suspension ng sea travel sa naturang lugar matapos gumanda ang panahon at kondisyon sa dagat.

Dahil diyan, balik-operasyon na ang lahat ng anumang uri ng mga sasakyan pandagat, ngunit mahigpit pa rin ipinapatupad ang safety protocols at mga panuntunan na itinakda ng PCG.

Samantala, nananatiling suspendido ang biyahe ng mga barko patungong Sorsogon at Masbate dahil mayroong pa rin weather advisories at sea condition assessments sa nasabing mga lalawigan.

Pinayuhan naman ng PCG ang mga seafarers, vessel operators, mga mangingisda, at mga komunidad sa coastal areas na manatiling mag-ingat at alerto, makinig sa mga official weather at maritime advisories, at sundin ang mga regulasyon sa paglalayag na iniutos ng PCG.

Inilabas ng PCG ang desisyon o kautusan makaraan ang masusing pakikipag-ugnayan sa PAGASA at sa patuloy na monitoring, kaya nakumpirma na ligtas nang bumiyahe o maglayag ang mga barko at iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here