MANILA, Philippines – ITINAKDA ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang panukalang 2026 national budget sa P6.793 trillion.
Ito’y sinasabing 22% ng gross domestic product ng Pilipinas at 7.4% mas mataas kaysa sa P6.326 trillion budget ngayong taon.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na natanggap nito ang budget proposal ng ahensiya na umaabot sa P10.101 trillion, subalit kailangang suriing mabuti ang mga programa at proyekto dahil sa limitadong fiscal space.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na prayoridad ng panukalang 2026 national budget ang pamumuhunan sa de-kalidad na edukasyon, healthcare, at workforce upskilling.
Ipagpapatuloy din nito ang pamumuhunan sa Build Better More Infrastructure Program, at sa digital transformation.
Kabilang naman sa panukalang spending plan ay ang mahahalagang hakbang na magpapahusay sa ‘climate at disaster resilience, pagpapalakas sa social protection systems, at mas mag-mas magdevolve ng basic services sa local government units.
“By nurturing future-ready generations through coordinated policy implementation and strategic investments, the government is committed to reducing poverty to single-digit levels, creating quality jobs, safeguarding macroeconomic stability…even amidst global uncertainties,” ang sinabi ni Pangandaman. Kris Jose