Home HOME BANNER STORY Higit P166M shabu lumutang sa dagat ng Batanes

Higit P166M shabu lumutang sa dagat ng Batanes

MANILA, Philippines – Narekober ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ang P166.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nadiskubre ng mga Pilipinong mangingisda sa baybayin ng Barangay Kaychanarianan, Basco, Batanes, noong Hunyo 25, 2025.

Ayon sa mangingisda, nadiskubre niya ang mga kontrabando na may timbang na humigit-kumulang 24.5 kilo noong Hunyo 19 sa nasabing baybayin.

“Initially thinking that the packs contained tea, he brought them home for safekeeping. After several days, he opened the content and noted that the substance resembled ‘shabu,’ prompting him to report the matter to authorities,” sinabi ni Coast Guard Station (CGS) Batanes.

Ayon pa sa PCG, boluntaryong isinuko ang isa sa nakabukas nang sako na naglalaman ng 24 vacuum-sealed plastic packs at isang nakabukas na pakete ng labeled ‘Daguanying’ na may lamang white crystalline substances.

Sa kasalukuyan, ang narekober na mga kontrabando ay nasa kustodiya ng PDEA Batanes Provincial Office at isusumite sa PDEA laboratory para sa tamang examination at disposisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden